Naaalala ko pa rin yung unang beses na nagtagpo ang mga mata natin. Ito na yon, sabi ko sa sarili ko. Ito na siguro yung sinasabi nilang 'pag-ibig.' Wala akong imik. Nakatingin lang ako sa 'yo. Ngunit kahit na nakatingin ka rin pabalik, para bang hindi mo naman ako nakikita. Literally.
Tuwing napapanuod kita sa telebisyon, lagi kang nakangiti, laging masaya. Naiisip ko na siguro okey na tao 'to. Yung tipong tao na pareho lang ang antas ng pagsuporta para sa basketball team ng UP miski tambak na sila ng trenta puntos wala pang kalahati, o tabla sa Ateneo nang sampung segundo na lang ang natitira at sa UP ang bola. Yung mga ganyang klaseng tao ang mga dapat hinahangaan e. Siguro ganun ka.
Minsan umaasa akong makita kita sa totoong buhay. Wala lang. Tapos sasabihan kita kung gaano ako kanagandahan sa sinulat mong sanaysay tungkol sa lolo mo at sa Gilas, at na ang galing mong magsalita sa Sports5 Center. O kaya tititigan lang kita mula sa malayo. Isa sa dalawang mga bagay na yon.
Nang biglang nasa Gateway ako kanina at napatigil sa paglalakad. Tangina si Nikko Ramos yun a! Napatigil din ako sa paghinga, sa pag-iisip, sa... basta lahat parang tumigil. Ang tangkad mo pala sa personal. At nakangiti ka na parang yung ngiti mo sa telebisyon. Ganun na ganun. Tinignan ko ang mga mata mo para sa unang pagkakataon nang hindi nakasubsob ang mukha ko sa salamin ng TV. Sigurado na ako ngayon. Ito na nga talaga yon. Yung sinasabi nilang 'pag-ibig.'
_____
Disclaimer: exaggerated for artistic purposes. Sobrang creepy jusko. Pero love ko kasi talaga si Nikko Ramos ok. Actually may kaholding hands siyang babae kanina. Pero love ko pa rin siya. Mostly dahil sa kahusayan ng pagkakasulat nito:
http://www.slamonlineph.com/fun-times-flatlines-mabuhay-ang-gilas/
I only read this now, I'm sorry. You are too sweet. Sana may sinusulatan ka ng ganyan ka-nakakakilig ngayon. At sana matamis din ang mga salita niya para sayo. :)
ReplyDelete