Selfie o. Way before it was cool. Circa sobrang tagal na, nakasalamin pa ko e. Kakaiba talaga ang confidence na taglay ng isang grade schooler. Sa tapat pa talaga ng classroom nagdesisyong kuhanan ng litrato ang sarili. Feeling ko balang araw magagamit to against me in some way.
Ganyan ako ngumiti dati: laging naka-anggulo lang nang konti to the right yung ulo. Ewan ko, feeling ko ata nun cute yan. May crush kasi ako noon. Matatagal tagal din. May technique ako sa paglalandi nun e. Ang secret lang ay lagi mong iiwasan at never mong kakausapin o titignan man lang sa mata nang tatlong taon kahit na magkasection kayo sa dalawa sa tatlong taon na yon tapos magsulat ka sa diary mo tungkol sa time na nagkasalubong kayo sa canteen nung recess at hindi kayo nagpansinan pero it was magic tapos lumipat ka ng eskwelahan. Medyo ganiyan pa rin ang ginagamit kong method hanggang ngayon. Ewan ko lang ha, pero parang hindi masyadong effective. Minsan naiisip ko pa rin yung taong yon at inaanalisa kung saan ba ako nagkamali. Palagay ko talaga kung mas naka anggulo lang sana yung ulo ko, nakuha ko na siya. Sayang.

kyot. kwento mo dito pag may boyfie ka na.
ReplyDeletelol i like your joke
Deleteok. ano pa like mo?
ReplyDelete