Wednesday, June 21, 2017

LOVE WINS: A CASE STUDY ON THE MEAD-KINGS char

Kanina pa ako nanunuod ng mga interview nina Joey at Angelina Mead King (formerly Ian King). Interesante lang dahil:

1. Hindi tulad ni BB Gandanghari, kasal si Angelina noong nag-transition, at nanatiling kasal. So isang malaking apir kay Joey sa pagiging accepting niya. Tru lab po ang tawag diyan

2. Paano mag-aapply ang batas sa Pilipinas sa mga ganitong kaso assuming na legally ay babae na si Angelina. Ang gandang loophole nito. Unless di sila sa Pilipinas kinasal

3. Pinapalitan ni Angelina apelido niya para magamit din yung maiden name ni Joey and I think that's beautiful. Nakatutuwa lang kasi if ever magpakasal ako, desidido akong hindi magpapalit ng surname dahil a) smash the patriarchy at b) feeling ko lang magandang pangalan ang Pauline Fernandez waw ang conceited

4. Transwoman siya na ang preference ay babae pa rin. Kakaiba lang kasi yung mga nakikita ko kadalasang mga kaso ng pag-transition ay may kasama ring revelations tungkol sa orientation nila. Sharing lang na naisip ko na dati kung baka di ko pala type mga lalaki bilang mga 20 years akong NBSB kahit na may uma-aura naman sa kagandahan ko. E ayon, late bloomer lang, ang landi ko pala. Shoutout sa mga malalandi diyan, pagpalain kayo (tayo) ng diyos

5. Sa pagstalk ko kay Angelina, makikita na yung mga hilig niya sa lyf ay mga bagay na traditionally masculine pa rin, maliban sa fact na nagbibistida na siya ngayon. Further transcending norms pagdating sa usapin ng kasarian

Ang saya lang kasi siyempre hindi naman sila ang unang couple na may pinagdaanang ganito, pero sila kasi yung unang kilalang mga figuries sa Pilipinas na ikinaharap ito publicly (afaik). At pinapatunayang ang tunay na pag-ibig ay simple lang at kayang igpawan ang kung ano mang kasalimuotan ng seksualidad.

No comments:

Post a Comment