Nagbunot ng tinik para lang magbigay espasyo sa pagtanim ng mga bago.
Tagubilin:
Gamitan ang lupa ng mga hindi-ko-sinasadya upang palambutin. Gumawa ng maliliit na mga hukay na puno ng mga walang-ibig-sabihin. Ibaon ang punla ng mga anong-nangyari-kagabi. Matapos ay diligan ng alak-lang-siguro na kay rami-rami.
Malago na ngayon ang mga rosas sa aking hardin
***
Afterword: homage sa kalandian ng sambayanang Pilipino
No comments:
Post a Comment