Sa pagsuri ng kasaysayan, lagi nating tinitignan ang mga mahahalagang kaganapan. Maingat nating minamapa ang bawat punto upang mabigyang kahulugan ang kasalukuyan. At minsan, upang magkaroon ng pangitain ng hinaharap.
Ngunit ang laging nakakaligtaan ay ang halaga ng mga hindi natitiyak, hindi nabibigkas, hindi natatala. Hanggang sa tuluyan na lang na masasantabi at mababaon sa limot. Sa kabilang banda naman, may taglay ding panganib ang mga hindi binibigyang pansin; maaaring handa ka na pala nitong lamunin nang buo, hindi mo man lang namalayang kanina pa pala itong umaaligid.
At pag nahulog na mula sa mga toreng inaagaw na ng mga mismong naglatag ng semento't graba, huwag niyo sabihing hindi kayo binalaan
No comments:
Post a Comment