Buong buhay ko, pinaniwla ako na simple lang naman talaga ang buhay. Dapat mag-aral ng mabuti at makakuha ng matataas na grades, at pasayahin ang mga magulang at isipin nila na ang achievements mo ay achievements din nila kahit na hindi naman talaga. Tapos tatapusin ang college nang apat na taon sa course na in demand at "may kwenta." Tapos maghahanap ng trabahong hindi ko naman talaga gusto pero mataas ang bayad, dahil hindi ko nga naman mapapakain sarili ko gamit ng dreams at self-fulfillment. Tapos mag-aasawa ng respectable-looking na doctor o abugado o engineer, na mamahalin ako, at magkakaroon kami ng mababait at magagalang na mga bata na laging nagmamano at nagpopo. Tapos sabay sabay kami lagi tuwing kakain ng hapunan at magmimisa every Sunday. Tapos hanggang magkaron na ng sariling mga trabaho mga anak ko, wala akong ibang iintindihin kundi ang mga bills at mga utang na kailangang bayaran. Tapos pagka wala nang kailangan bayaran, magreretire na ko dahil ang isang trabaho ay para sa pera lamang at hindi na hihigit pa don. Tapos magkasama kaming tatanda ng asawa ko at magkukunwaring mahal pa rin namin ang isa't isa hanggang kunin na kami ni Lord na labis kong pinaniniwalaan na totoo. At kung lumihis ako sa ganitong buhay, parang may mali na agad.
Kaso nga lang, dahil masyado akong cool, parang di ko pala masyadong trip yang ganyan. Ang importante lang naman talaga ay maging masaya, diba. Paano kung hindi ako pinapasaya ng buhay na pinapatakbo lang ng pera at feelings at jesus. At kung anong importante sa'kin ay hindi yon ang importante sa ibang tao at pinipilit nilang tama sila at wala nang ibang inisip kundi kung ano ang practical at nag-aalala sa future na mga anak kong hindi pa nga buhay at hindi ako sigurado kung mabubuhay man. Ehehe pakyu. Biro lang hihi.
Shet, handang handa na kong kainin nang buhay ng real world. Pero ayos lang kasi ginusto ko naman yon.
Importanteng maging masaya ngunit hindi ito ang pinaka-importante. Ang mahalaga ay maging masaya ka di lang para sa sarili ngunit para sa iba rin. Dahil sa kasiyahan mo, sa pagkatuto madadamay rin ang maraming tao. Isang magandang paraan ang pagsulat mo upang maibahagi ang nasa isipan at makapagpangiti din ng ibang tao. :)
ReplyDeleteSalamat at isa lamang ako sa mga ito. :)
Ayaw. Selfish ako e. Dapat ako lang masaya. Hehe biro lang. Ang gusto ko lang naman talaga sa buhay ay ipagtanggol ang Tsina mula sa mga Huns at pakasalan si Captain Shang. Kaso di niya alam na babae ako e. What would the neighbors thnk
Deletehappy easter! sakto sa blog mo panaginip ko kanina kasi nakita ko don future mo. weird bigla kitang napanaginipan. laki ng bahay mo tapos ang ganda ng living room mo. sobrang yaman mo. tapos nakaupo ka lang at nagbabasa ng magazine. tapos kinasal ka na raw. may mga lumuhod na mga pari sa living room mo nung tinanong ko kung kasal ka na. haha! tapos apat anak mo. puro boys. di ko natanong kung masaya ka pero di ka nakangiti. calm face lang. di ko rin nakita mga anak mo kung pogi. di ako ung asawa mo sa panaginip. bumisita lang ako bigla. ibang tao ako a. di ako ung nagmessage ng 3 am. memessage sana kita sa fb kaso dito na lang para anon. haha! di naman tayo naguusap na e.
ReplyDeleteuhhh.. Pogi sila. Di ako papayag na hindi sila pogi.
Delete